Wednesday, January 22, 2014

51 na Eskwelahan sa Luzon ang kasali sa Ajinomoto® Umami Culinary Challenge

Magpapamalas muli ng kanilang talento sa pagluluto ang daan-daang mga estudyante sa nalalapit na Ajinomoto® Umami Culinary Challenge (UCC). Ito din ay isang magandang pagkakataon upang makaharap nila ang pinakamagagaling sa industriya ng pagluluto at food service. Ang UCC ay magtatanghal sa Hall 2, SMX Convention Center in SM Mall of Asia mula 6:00 AM – 6:00 PM sa darating na January 28, 2014.

Ayon kay Chef Russell Bautista, UCC Competition Head at Resident Chef of AJINOMOTO PHILIPPINES CORPORATION, “Mayroon tayong pambihirang pagkakataong makita ang kakayanan ng ating mga future chef. Layunin ng Ajinomoto na makatulong sa mga kabataang ito na madiskubre at mapalago ang kanilang galing sa pagluluto.”

Patuloy ang matagumpay na pagdaos ng UCC na lumalaki at lumalawak sa bawat taon. 51 na eskwelahan sa Luzon o higit na 400 na estudyante ang lalahok sa patimpalak ngayong taon. Ang mga eskwelahang ito ay mula sa Ilocos, CALABARZON, NCR at CARAGA. Kamakailan, dinala din ang UCC sa Iloilo at Cebu para makasali ang mga estudyante sa Visayas and Mindanao.

Mayroong anim na kategorya ang UCC, isa dito ay ang national cooking showdown. Ang Hercor College mula Capiz ay darating sa Maynila upang  labanan ang eskwelahang mananalo sa Best Filipino Umami Dish-Luzon. Sa kabilang banda, ang eskwelahan dito sa Luzon na may pinakamataas na marka ay tatanghaling Umami Bowl Champion at maguuwi ng kitchen classroom showcase. Ilan sa mga tatayong hurado ay mga culinary at nutrition expert tulad nila Chef Sau del Rosario, Chef Eugene Raymundo, Chef Seiji Kamura, Chef James Antolin, Dr. Zenaida Narciso at Ms. Joan Sumpio.

Kaabang-abang din ang mga bago at kakaibang patimpalak, ang Eat Well, Live Well.® Cooking Class na pangungunahan ng mga kilalang chef at ang Umami at MSG Safety Presentation mula kay Dr. Nemencio Nicodemus. Ang UCC ay handog ng AJINOMOTO PHILIPPINES CORPORATION sa tulong ng La Germania, Solane, at Masflex KitchenPro.

 Ang eskuwelahang mananalo sa Umami Bowl Award ay maguuwi rin ng kitchen classroom showcase.


Mapupuno ng ma-umami o masasarap at malinamnam na mga pagkain ang competition area ng Ajinomoto® Umami Culinary Challenge. 




***
Ajinomoto Philippines Corporation (APC) is an affiliate of Tokyo-based Ajinomoto Co., Inc. Established in 1958, APC is committed to the unification of deliciousness and well-being as a corporate brand value. Its food brand slogan “Eat Well, Live Well” communicates the company’s competitive edge of offering food products that are both flavorful and nutritious. Likewise, APC advocates culinary nutrition, which is all about cooking with culinary skills and nutrition knowledge to create delectable and nourishing meals. APC’s brands include AJI-NO-MOTO® Umami Seasoning, Ajinomoto® brand Ginisa Flavor Seasoning Mix, CRISPY FRY® Breading Mix, CRISPY FRY®  Seasoned Crumbs  All-in-One Coating Mix, TASTY BOY® All-purpose Breading Mix, The Ajinomoto® brand Sinigang, AJI-SHIO® Seasoning Mix, FRES-C® Concentrated Powdered Drink Mix and  Ajinomoto® brand Chicken Powder.




No comments:

Post a Comment